
Si Queen of Horror Janice de Belen ang bibida sa upcoming brand-new episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "Itim na Duwende," ito ang huling special ng real-life drama anthology para sa Mother's Month.
Gaganap si Janice bilang Myrna, nanay na malalayo sa kanyang mga anak dahil nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW).
Isang matinding dagok para kay Myrna nang magkaroon ng hindi maipaliwanag na pagbabago sa ugali ng kanyang bunsong anak.
Malaman niyang nasapian pala ito ng itim na duwende!
Paano kaya maililigtas ni Myrna ang kanyang anak?
Abangan ang brand-new episode at huling Mother's Month special na "Itim na Duwende," May 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.