What's on TV

Janine Gutierrez, nagsuot ng DIY gown sa 'Sunday PinaSaya'

By Bianca Geli
Published May 22, 2019 10:36 AM PHT
Updated May 22, 2019 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Ibang klaseng life hack ang sinubukan nina Lovely Abella at Janine Gutierrez sa "Threena Minute" segment ng 'Sunday PinaSaya' nitong nakaraang Linggo, May 19. Panoorin 'yan dito:

Ibang klaseng life hack ang sinubukan nina Lovely Abella at Janine Gutierrez sa "Threena Minute" segment ng Sunday PinaSaya nitong nakaraang Linggo, May 19.

Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

Ang kanilang DIY project, makagawa ng gown pang sagala ngayong Flores de Mayo.

Sa segment, gumanap bilang dalagang sasali sa Flores de Mayo ang Dragon Lady star na si Janine.

Kuwento ni Janine, “Sobrang excited nga ako eh, iniisip ko lang 'yung mga gastusin ko ngayong buwan, sumabay pa itong pagsali sa'kin sa sagala mamayang gabi. Grabe, ang mahal mahal magpagawa ng gown.”

Nakaisip naman ng solusyon si Lovely, “Hindi kita pauutangin beshy pero tuturuan kita kung paano gumawa ng gown sa pamamagitan ng isang unconventional material at ito ang--isang trashbag.

Dagdag niya, “Puwede niyo gamitin ang trash bag para makagawa ng gown para sa sagala ituturo ko po 'yan in just in three minutes.

Reaksyon naman ni Janine, “Gown ang gusto ko, hindi pangtakip ng kotse!”

Ano kaya ang kinalabasan ng kanilang DIY trash bag sagala gown?

Aiai Delas Alas, nag-resign bilang manager ng Ex-Battalion

Maine Mendoza, nagbalik 'Sunday PinaSaya'

WATCH: Tips kung paano aamuhin ang inyong girlfriend from Bae Jose Manalo