GMA Logo Janine Gutierrez
What's Hot

Janine Gutierrez, naniniwalang responsibilidad ng mga celebrity na maging sensitibo ngayong ECQ

By Marah Ruiz
Published May 13, 2020 4:05 PM PHT
Updated May 15, 2020 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez


Naniniwala si Janine Gutierrez na responsibilidad ng mga celebrity ang pagiging sensitibo lalo na ngayong nasa enhanced community quarantine pa rin ang ilang bahagi ng bansa.

Aminado si Kapuso actress Janine Gutierrez na hindi niya sigurado kung paano aasal noong unang idineklara na sasailalim ang ilang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine.

Dahil dito, nag-social media hiatus siya nang isang buwan para manatiling sensitibo sa pinagdaraanan ng bansa at ng mga tao.

"I was also so confused noong una. Noong unang nag-lockdown, I didn't post anything on my social media for one month kasi parang sobrang hindi ko din talaga alam kung paano ako kikilos, kung paano magiging normal. I know that everyone is struggling, but there are people who are struggling more than others," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.

"I was so careful with what to post, what to say kasi I didn't wanna be insensitive. Eventually, I started posting again on Instagram, realizing nga na parang hindi pa ito matatapos. We have to adjust to this new normal," dagdag pa niya.

Naniniwala siyang responsibilidad ng bawat artista o celebrity na maging sensitibo lalo na sa panahong marami ang nahihirapan.

"I think one of the roles is, first of all, to just really be sensitive and to use whatever platform you have to spread information," aniya.

Sa tingin din daw ni Janine, bahagi ng pagiging sensitibo ang pagiging "relatable."

Sa panahon kasi ngayon, hindi kailangang magmistulang perpekto ang buhay at mas magagamit ang social media sa pagre-reach out sa mga tao.

"In a way lahat tayo parepareho ng pinagdadaanan. It's just nice to be able to talk to people now. I know a lot of people may feel isolated, being away from their families so na-e-enjoy ko din 'yung konting chika sa Instagram or sa Twitter. I just try to be there," aniya.

Panoorin ang buong panayam kay Janine dito:



RELATED CONTENT:

Kapuso Showbiz News: Janine Gutierrez talks about her COVID-19 fundraiser

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, nakuha ang pagmamahal sa trabaho kay Lotlot de Leon