
Isang buwan na ang nakalilipas nang pumanaw ang anak nina Janna Dominguez at Mickey Ablan na si Yzabel.
Pumanaw si Yzabel sa edad na 20 noong October 7. Sa kaparehong araw, isinilang ni Janna ang ikaapat na anak na si Leon.
Sa Instagram posts, inalala ni Janna ang pagpanaw ng anak. Sulat niya, "Isang buwan na ang nakalipas since you joined our Father in heaven, anak. Until now 'di pa [rin] ako makapaniwala.
"Parang pabaliktad ang bilang [ng] mga oras at [ng] mga araw. Miss na miss na kita, sobra! Until I see you and hug you again, anak. Mahal na mahal ka ni mamay... Yzabel Ablan."
Bumista rin ang aktres sa puntod ni Yzabel kasama ang anak na si Leon. Pagbabahagi nito, "Leon Zab visiting his Ate Yzabel Ablan."
Ibinahagi rin ni Janna ang naging salo-salo ng kanilang pamilya bilang selebrasyon sa buhay nina Yzabel at Leon.
Matatandaan noong October 9 ibinahagi ni Janna ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Yzabel. Ito aniya ay dahil sa "heart failure at lung infection."
Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang celebrities at netizens sa pamilya ni Janna. Basahin sa gallery na ito: