GMA Logo janno gibbs
Source: jannolategibbs (Instagram)
What's Hot

Janno Gibbs, kinumpirma ang pagpanaw ng amang si Ronaldo Valdez

By Jimboy Napoles
Published December 18, 2023 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs


Kinumpirma ni Janno Gibbs ang malungkot na balitang pagpanaw ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.

Kinumpirma ng actor-comedian na si Janno Gibbs ang pagpanaw ng kanyang ama at beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Kagabi, araw ng Linggo, December 17, nalungkot ang marami dahil sa balitang pumanaw na sa edad na 77 si Ronaldo.

Sa isang Instagram post ngayong Lunes, sinabi ni Janno, “It is with great sorrow that i confirm my father's passing.”

Pero hiling ng pamilya nina Janno na ibigay muna sa kanila ang katahimikan upang magdalamhati sa pagpanaw ng kanilang ama.

“The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated,” saad sa ibinahaging post ni Janno.

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Sa naturang post, nagpahatid naman ng pakikiramay ang maraming celebrities para kay Janno at sa kanilang pamilya.

Napanood si Ronaldo sa maraming pelikula at programa sa telebisyon, isa na rito ang Kapuso serye na Full House noong 2009.

Huling napanood si Ronaldo sa pelikulang Ikaw at Ako, kung saan kasama niya ang kapwa beteranong artistang si Boots Anson Roa, Rhian Ramos at Paolo Contis. Subalit hindi siya nakadalo sa media conference nito noong November 29.

ALALAHANIN ANG IBA PANG MGA YUMAONG ARTISTA, RITO: