GMA Logo janno gibbs
What's Hot

Janno Gibbs, nakatrabaho ang yumaong amang si Ronaldo Valdez sa unang niyang directorial job

By Nherz Almo
Published January 17, 2024 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs


Nais mabago ni Janno Gibbs ang huling imahe ng kanyang publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng huling pelikulang ginawa nila nang magkasama.

“Wala siyang choice, napilitan siya.”

Ito ang pabirong sagot ni Janno Gibbs nang tanungin tungkol sa pagkakasama ng kanyang yumaong amang si Ronaldo Valdez sa kanyang directorial debut project, ang Itutumba Ka ng Tatay Ko.

Sa media conference ng naturang pelikula kahapon, January 16, inilahad ni Janno kung gaano ka-involved ang kanyang ama sa kanyang unang project bilang direktor.

Aniya, He's been living with me for almost a year now. Umpisa pa lang, concept pa lang, and all throughout the process kinukuwento ko na sa kanya. He's really proud of me.”

Bukod sa ito ang una niyang directorial job, saktong-sakto raw sa tatay niya ang karakter na ginampanan nito.

“Of course, he had to be in this movie, my first directorial job. Ang bagay na bagay ang role, e. Sakto yung role sa kanya, tailor-made for him. I wouldn't want it any other way,” sabi ng actor-director.

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Dahil halos isang buwan pa lamang ang nakararaan nang pumanaw ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, may ilan umanong kumuwestiyon kung bakit agad-agad na ipalalabas ang Itutumba Ka ng Tatay Ko, na mapapanood sa mga sinehan simula January 24.

Para naman kay Janno, ito ang pinakamagandang panahon ipalabas ang pelikula kung saan bahagi ang kanyang ama.

“I believe this is the perfect time to release the movie kasi yung huling image of my dad, it wasn't nice. Hopefully, this erases that. Nakita naman natin siya in all his glory.-

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG MGA PROYEKTO KUNG SAAN NAKILALA ANG YUMAONG SI RONALDO VALDEZ: