GMA Logo janno gibbs on kapuso mo jessica soho
What's Hot

Janno Gibbs recalls final moments with late dad Ronaldo Valdez

By Bianca Geli
Published January 22, 2024 4:10 PM PHT
Updated January 22, 2024 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs on kapuso mo jessica soho


Janno Gibbs gives advice following the death of his dad Ronaldo Valdez: "Please spend more time with [your] parents, you never know when they go."

Marami ang nagulat sa pagkamatay ng respetadong aktor na si Ronaldo Valdez.

Nakapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kanyang anak na si Janno Gibbs tungkol sa pinagdaanan ng kanilang pamilya matapos ang pagpanaw ng kanilang ama.

Mahusay sa drama at may ibang atake pati sa comedy, isa si Ronaldo Valdez sa haligi ng industriya ng Philippine showbiz.

Bago matapos ang 2023, nagimbal ang lahat sa masamang balita tungkol sa premyadong aktor, si Ronaldo Valdez, sa edad na 76-anyos, sumakabilang buhay na.

Marami ang naglalabasang balita tungkol sa pagkamatay ni Ronaldo, at ang ilan dito, ikinasama ng loob ng pamilya niya.

Sa KMJS, binasag ni Janno ang katahimikan at naglabas ng saloobin sa nangyari sa kanyang ama, pati na rin sa ikinilos ng mga pulis ukol sa pagkamatay ni Ronaldo.

Una nang inireklamo ni Janno ang mga nagkalat ng video ng mga huling sandali ng kanyang ama.

Sa pangungumusta ng KMJS host na si Jessica Soho, sabi ni Janno, "We're holding up well, nakatulong ng malaki 'yung right after, nag-travel muna kami, para makalayo at makalimot ng konti, makahinga, and now, hangga't maari hindi namin iniiwan ang isa't isa na magisa. Kailangan may kasama. Nasa ganoong stage kami."

Iklinaro ni Janno ang kanyang videos mula sa kanilang family vacation matapos ang burol ng ama.

"I was even bashed because we went on a trip right after the wake, nag-post ako ng TikTok na sumasayaw ako. May mga nag-bash. May iba nagpo-post kasi na araw-araw nagdadasal. I didn't want to use the situation. I wanted life to go on. Most of the time, we're still in grief."

Dagdag ni Janno, hindi naging madali ang naging pagdadalamhati nilang pamilya, lalo na noong lamay ng kanilang ama.

"Nung second night ng wake], hindi ako nakapunta, nag-breakdown ako," aniya.

Saad pa ni Janno, "I still have flashes of the horrible image, once in a while. But it gets less as time goes by."

Binalikan ni Janno ang mga pangyayari bago mawalay sa ama. "Akala ng iba wala ako doon, but he was living with me. I was just next door. I think he made sure I was sleeping. He even knocked on my door."

"I was taking an afternoon nap, nagising ako, sumilip lang siya, tinanong niya, 'Hindi ba tuloy 'yung lakad mo?' Sabi ko, 'Tuloy, kaya lang ginamit ni Bing 'yung kotse. Pagbalik niya na lang. Iidlip lang ako.' Moments after that, 'yung driver, he was panicking. I think he [Ronaldo] made sure na tulog ako, and wala 'yung driver."

Ayon kay Janno, unti-unti na raw naging mahirap ang paglalakad para kay Ronaldo, at naging malaki ang epekto nito sa kanyang buhay. "Since late last year, he was taping for a teleserye. Nahihirapan na siyang lumakad, bigla. It got worse and worse, until a few weeks ago, naka-mobile wheelchair na siya. He could still climb the stairs, pero mahirap lang, mabigat. We went to several doctors."

Nabanggit din niya, "He was scheduled to be operated for his [cervical spine]," ngunit hindi na ito natuloy dahil sa biglaang pagpanaw nito.

Sabi pa niya, "He enjoyed life, e. He enjoyed living it, eating out and watching movies, making pasyal. Siguro since his condition was getting worse, he couldn't take it, I'm just guessing, he didn't want to burden us. For someone na layas, lakwatsero, it's a big thing, having a hard time just walking."

Hindi raw nagpakita ng senyales si Ronaldo ng pagkalungkot. Kaya naman ang payo ni Janno, "Kung meron man akong mapapayo, let's be mapagmatyag, mapagbantay, kasi wala silang binibigay na signs."

Tingnan kung gaano ka-close si Janno Gibbs sa kanyang amang si Ronaldo Valdez dito:

Kampante naman si Janno na naging mabuti siyang anak, at wala silang samaan ng loob ng ama bago ito pumanaw.

Aniya, "Wala, wala. I feel like I gave the best care, the best attention, to him. Sa tingin ko, hindi ako nagkulang.

Mula nang maghiwalay si Ronaldo at ang asawa niyong si Maria Fe, halos isang taon na ang nakalilipas, kay Janno na nanirahan si Ronaldo. "It's almost been a year since my mom and my dad have been separated already. After that happened, almost one year na nakatira sa akin ang daddy ko. I've been taking care of him."

Samantala, binalikan ni Janno ang mga alaala niya sa kanyang ama.

Paglalarawan niya, "He was the life of the party, he was the comedian of the family. He wasn't the traditional Filipino father. Ang mga Pinoy ang mga tatay kinakatakutan, hindi siya ganoon. He treated us like an equal, pwede kang mag-explain kapag nagkamali ka. Naiintindihan niya. Very sweet siya.

"He's very emotional siya, sobrang sensitive.

"He was beloved not just by his family, but also his peers. Lately, si Kathryn Bernardo was so close to my dad. 'Yung mga apo niya, mga anak ko, they were devastated. He was so loving, sobrang sweet niya.

"If you watched Seven Sundays, that was him. I was watching it [Seven Sundays], and I was crying, 'yun talaga siya, how loving he was, hindi siya acting."

"I think this is the perfect time to show it, para mabura 'ang last horrible image of him and to see him again in his full glory, masaya at gwapo."

Nabanggit din ni Janno ang kanyang directorial debut film na Itutumba Ka ng Tatay Ko, na tampok ang kanyang sariling ama.

"This is the best parting gift he could give me, supporting his son's dream. It was very special kasi it was my first time to direct, tapos daddy ko pa, award-winning actor. I could imagine us watching our movie together."

Dagdag ni Janno, "My grandfather is Gerry de Leon, he's our National Artist for film. He's the father of my mom. I hope also, I'm making him proud."

Kilala bilang isa sa mga mestizo na aktor sa kanyang henerasyon, isa pa lang half-American si Ronaldo Valdez. Kwento ni Janno, isang American G.I. ang ama ni Ronaldo, na iniwan siya noong bata pa siya.

"Gibbs talaga siya. All his life, he was looking for his dad, ang hirap noon wala pang internet masyado. Until two decades ago, may nagsabi sa kanya na nahanap na 'yung father niya sa States. Sumulat sa kanya pabalik, nag-sorry kasi may pamilya na siya. Sabi ng dad ko, he's not after anything, he's doing well in the Philippines, 'I just want to meet you,' so nagkita sila. That was very fulfilling for him, so late in his life na nakilala niya 'yung father niya."

Sa pagpanaw ng kanyang ama, may mga ilang naging hiling lamang lang si Janno, "Ano lang, ang wish ko lang, I could've said goodbye properly. In that state, in his horrible state, he was still breathing. I stayed with him for a good ten or fifteen minutes. Of course, wala ng response. I got to say I love you, I hope you'll be okay na. But I wish I got to say those things, ng conscious pa siya."

Payo ni Janno sa mga kabataan ngayon, maging mas mapagmahal sa kanilang mga magulang. "Lalo na sa generation ngayon, na na-aannoy sa parents nila o they don't spend so much time with their parents. To the children, please spend more time with their parents, you never know when they go."

1960's ng pasukin ni Ronald James Dulaca Gibbs o Ronaldo Valdez ang pag aartista. Ikinasal siya kay Maria Fe Ilagan at nagkaroon ng dalawang anak, sina Janno at Melissa Gibbs. Naging makasaysayan sa showbiz ang kanyang grand slam na pagkapanalo ng Best Supporting Actor sa iba't ibang major acting awards para sa pelikulang May Minamahal. Pero ang role na pinaka binuhusan niya ng ginampanan ay ang pagiging ama."

"He loved life and he was very affectionate to us. He was my hero," saad ni Janno sa tungkol alaala ng ama.

Panoorin ang KMJS interview ni Janno Gibbs