
Inalala ng dating aktor na si Jao Mapa, kung paano siya nagsimulang mapasok sa mundo ng showbiz.
Sa interview ni Susan Enriquez kay Jao na mapapanood sa 'Kay Susan Tayo! Vlogs,' ibinahagi ng dating celebrity kung paano siya nakapasok sa entertainment industry.
Ayon kay Jao, madalas siyang sumasama noon sa kanyang ina na nagtatrabaho sa publication at doon may nakapansin sa kanyang looks.
Una siyang nagtrabaho bilang model sa print at ayon sa kanya, “Nag-model ako sa print… babayaran ako ng T-shirt, babayaran ako ng 500 pesos, at malaking bagay 'yun at that time…”
Kasunod nito, nagkaroon siya ng opportunity na mag-pictorial para sa Bench at nakilala naman niya ang kilalang producer at manager na si Douglas Quijano.
Nagsimula si Jao sa showbiz noong siya ay 16 years old pa lang at nangyari ang kanyang big break nang mapabilang siya sa cast ng television sitcom na 'Palibhasa Lalake.'
Dito ay nakasama niya sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Eric Fructuoso, at iba pang aktor.
RELATED CONTENT: Silipin ang then-and-now photos ng The Gwapings:
Samantala, sa parehong interview, inamin ni Jao Mapa na naging karelasyon niya noon ang kanyang former leading lady sa pelikulang 'Matrikula' na si Rosanna Roces.
Courtesy: GMA Public Affairs
Si Jao Mapa ay nakilala noong '90s bilang isang TV heartthrob ngunit nag-decide siya noon na iwan muna ang mundo ng showbiz para sa kanyang first love---ang pagiging artist at hilig niya sa pagpipinta.