GMA Logo jasmine curtis smith
Photo source: jascurtissmith (IG)
What's on TV

Jasmine Curtis-Smith, ibinahagi ang struggles sa 'Stars on the Floor' 2026

By Karen Juliane Crucillo
Published April 14, 2026 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
No winners of major lotto jackpot draws on April 14, 2026
Ex-councilor shot dead in Binalbagan town

Article Inside Page


Showbiz News

jasmine curtis smith


Jasmine Curtis-Smith sa 'Stars on the Floor' 2026: “I think in-underestimate ko talaga kung gaano kahirap itong show na 'to.”

Puno ng pasasalamat si Jasmine Curtis-Smith na mapabilang sa lineup ng celebrity dance stars ng Stars on the Floor 2026.

Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, April 13, inamin niyang kahit na-achieve niya ang kanyang childhood dream na sumayaw, hindi pa rin biro ang kanyang naging karanasan sa dance show.

“Everybody I talked to about Stars on the Floor, sinasabi na napakahirap,” sabi ni Jasmine.

“I think in-underestimate ko talaga kung gaano kahirap itong show na 'to. Kasi I think sa lahat naman, lalo na sa aming mga celebrity dance stars, ako 'yung pinaka-walang training sa pagsasayaw, walang experience, kaya nagugulat talaga 'yung bawat limb at bawat balikat ko,” kuwento niya.

Ibinahagi rin ng aktres na naging “toned” ang kanyang katawan dahil sa matinding training para sa Stars on the Floor 2026.

“As in kalyos na po talaga 'yung big toe ko, and then may malalaki na akong pasa here and there kasi syempre kailangan magpakitang-gilas every week, hindi pwedeng normal-normal lang,” dagdag niya.

Para kay Jasmine, ang pinaka-challenging para sa kanya ay ang liftings at stamina.

“Stamina na matatapos mo 'yung buong syaw na 100 percent pa rin 'yung energy. Kasi iba kabisado mo 'yung sayaw, iba 'yung nape-perform mo ng 100 percent 'yung sayaw hanggang dulo ng sayaw and du'n ako nauubos minsan kasi nga bago sa 'kin 'yung mag-perform ng ganitong klaseng performance,” paliwanag ng aktres.

Aminado rin si Jasmine na naninibago pa rin siya sa mga routine, lalo na't mas sanay siya sa pag-arte.

Mas lalo pang iinit ang kompetisyon sa dance floor dahil malapit nang magkaroon ng permanent duos sa pagitan ng celebrity at P-pop dance stars.

Abangan ang kanilang mga pasabog na performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrity dance stars ng Stars on the Floor 2026: