
Patindi na nang patindi ang mga eksena sa The World Between Us, lalo na't malapit na ang season finale nito at magkakaroon muna ng panandaliang season break.
Isa sa mga eksenang talagang tinutukan ng mga manonood ay ang kissing scene nina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards, na gumaganap bilang Lia at Louie.
Sa 24 Oras interview ni Lhar Santiago with Jasmine, sinabi na hindi basta-basta pumapayag ang Kapuso actress na gumawa ng kissing scenes, lalo na kung alam niyang hindi naman ito kailangan sa eksena.
At sa kanilang interview, ibinulgar ni Jasmine kung paano siya napapayag sa kissing scene nila ni Alden sa The World Between Us.
“Ito kasi kailangang maipakita 'yung maturity ng characters 'tsaka 'yung pagiging naive din nila,” ani Jasmine.
Sinabi rin niya na komportable sila ni Alden sa isa't-isa at very professional daw ang Kapuso star.
“Napakakomportable na ng pakikisama namin sa isa't isa, And it came off very natural.
“Dahil sobrang professional ng attack niya in terms of what he wants to do sa acting niya and ganoon din ako, jive agad."
Ayon pa kay Jasmine, full support din daw sa kanilang Kapuso series ang kanyang mga magulang na nasa Australia.
“Si mama sa Australia naka-subscribe 'yan sa GMA Pinoy TV. So naka-auto-record din 'yan kasi pagka-minsan siyempre, hindi niya nata-timing-an.
“Si daddy naman, sa sobrang invested niya, tine-text niya ako na dati raw, friend sila ni Ms. Dina [Bonnevie]. Pero ngayon daw dahil sa pagtrato niya sa akin at sa amin ni Louie, ayaw na raw niya.”
Kasalukuyang inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari sa The World Between Us' matapos malaman ni Louie (Alden) na sina Lia (Jasmine) at Eric (Sid Lucero) na, at nagpasa na siya ng kaniyang resignation letter.
Kaya naman 'wag palalampasin ang season week finale bago ang season break, simula August 23 hanggang 27, Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng gabi sa GMA Telebabad.
Tingnan ang mga larawan nina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards sa lock-in taping ng The World Between Us sa gallery na ito.