
Noong Linggo, March 8, muling pinatunayan ng celebrity at P-pop dance stars ang kanilang husay sa pag-aaral ng iba't ibang dance genre sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, nagkaroon ng double win dahil sina Jasmine Curtis-Smith at Calista Denise, at sina Paul Salas at Alamat Jao ang itinanghal na 3rd top dance star duos.
Pinahanga nina Jasmine at Denise ang dance authorities at viewers sa kanilang heartwarming at emosyonal na contemporary dance performance. Samantala, nagpabilib naman sina Paul at Jao bilang jazz kings sa kanilang flawless performance.
Nagharap man sa dance showdown sina Jasmine, Denise, Paul, at Jao, nauwi sa tie ang kanilang scores mula sa dance authorities.
Noong nakaraang linggo, kinilala sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy bilang 2nd top dance star duo matapos maghatid ng kanilang open choreography performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor 2026': Introducing the P-pop dance stars