What's on TV

Jason Abalos, EA Guzman, Joaquin Domagoso, hanga sa husay ni Jo Berry sa 'Lilet Matias: Attorney-At-Law'

By Kristine Kang
Published February 29, 2024 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 25, 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

jason abalos ea guzman joaquin domagoso jo berry


Tunay talagang mahusay at sweet ang Kapuso aktres na si Jo Berry sa set ng 'Lilet Matias: Attorney-At-Law.'

Humanga ang mga aktor na sina Jason Abalos, EA Guzman, at Joaquin Domagoso kay Jo Berry, na lead actress ng bagong GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-At-Law.

Sa panayam nila sa "Chika Minute" ng 24 Oras, pinatunayan ng tatlong actor ang husay at kabaitan ng aktres base sa mga karanasan nilang kasama si Jo Berry sa set.

Para kay Jason Abalos, isang blessing na makatrabaho niya ang aktres at naniniwala siya na maraming hahanga sa husay ni Jo Berry sa bagong teleserye.

"Sobrang blessing na makatrabaho si Jo Berry kasi sobrang natural niya eh. So kami lahat dito, confident kami sa show talaga na alam namin na sobrang maa-appreciate ng mga tao ito," sabi niya.

Nahusayan rin si EA Guzman sa talento ng aktres sa pag-arte. Tuwang-tuwa niya ring sinabi kung gaano kasaya makatrabaho ang artista sa set.

"First time working with her sa isang teleserye and napakahusay. Napaka daling makatrabaho, napakagaan, napakabait, napaka-sweet, napaka-genuine," sabi ni EA.

Pagiging seryoso at focused naman ang hinangaan ni Joaquin Domagoso kay Jo Berry. Dahil maliban sa kaniyang sariling karakter, pinag-aaralan din ng aktres ang mga iba pang mga karakter na ka-eksena niya.

Nakapanayam din ang bida ng palabas na si Jo Berry, kung saan ikinuwento niya kung gaano kagaan at kasaya makatrabaho ang lahat ng cast.

"Close lahat and hindi po namin nararamdaman yung nagsasapawan. Pag may nagkakamali or pag may hindi kami naiintindihan, nagtutulungan po."

Mapapanood na ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ngayong Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Kilalanin ang iba pang mga aktor ng naturang serye rito: