
Isa ang aktor na si Jason Abalos sa mga artista na tumakbo at mapalad na nanalo sa nagdaang eleksyon 2022. Kahapon, July 4, opisyal nang naupo ang aktor bilang Provincial Board Member sa ikalawang distrito ng Nueva Ecija.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Jason ang kanyang larawan sa unang araw niya sa opisina sa kapitolyo ng nasabing probinsiya.
"Simula na ang Misyon," saad ni Jason sa kanyang post.
Nagbigay naman ng pagsuporta kay Jason ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz gaya nina Kapuso stars Jestoni Alarcon, Rodjun Cruz, at Antonio Aquitania.
"Congrats Bro, good luck," ani Jestoni.
Kamakailan ay inanunsyo naman ni Jason na siya ay engaged na sa kanyang longtime girlfriend na si Vickie Rushton.
Huli namang napanood si Jason sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas bilang si Gabriel Lucero kung saan nakatambal niya si Start-Up PH actress Yasmien Kurdi.
Samantala, kilalanin ang ilan pang celebrities na nanalo sa eleksyon at nanumpa na sa kanilang tungkulin bilang public servant sa gallery na ito: