GMA Logo Jay Ortega and Ahtisa Manalo
Celebrity Life

Jay Ortega, binigyan ng flower bouquet si Miss Universe PH 2025 Ahtisa Manalo

By Karen Juliane Crucillo
Published May 8, 2025 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Ortega and Ahtisa Manalo


Isa nga ba si Jay Ortega sa mga admirer ni MUPH 2025 Ahtisa Manalo?

Maraming nabibighani kay Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo at isa na rito ang Sparkle artist na si Jay Ortega.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, Mayo 7, bumisita si Ahtisa sa programa bilang guest matapos hiranging bagong Miss Universe Philippines 2025.

Sa isang video, makikitang hinihintay ni Jay si Ahtisa matapos ang kaniyang panayam kasama si Tito Boy.

Nang matapos ang pag-uusap nina Ahtisa at Tito Boy, hindi nagpaligoy-ligoy ang Sparkle artist na lapitan ito at makipagbeso.

Sa pagbati ni Jay, inabutan nito ng isang pink flower bouquet ang beauty queen.

Itinanghal si Ahtisa ng Quezon Province bilang Miss Universe Philippines 2025 nitong Biyernes, May 2, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Si Ahtisa ang magsisilbing representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa November 21 sa Impact Muong Thong Thani Arena sa Bangkok, Thailand.

Samantala, huling nagpakilig si Jay sa mga netizens noong nag-react ito matapos aminin ni Esnyr sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na ang Sparkle artist ang Kapuso celebrity crush nito.

Ginawa ni Jay ang Kim Seon Ho smile challenge at sabi nito sa caption, "Hi @Esnyr."

@jayortegaofficial Hi @Esnyr ♬ original sound - Hans - 𝟑𝟎𝟑 Hans

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG CHARMING LOOKS NI JAY ORTEGA: