GMA Logo Jay Ortega
What's Hot

Jay Ortega sa first movie na 'Samahan ng mga Makasalanan': 'Sobrang happy nung experience'

By Aimee Anoc
Published May 6, 2025 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Ortega


Kumusta kaya ang experience ni Jay Ortega sa kanyang kauna-unahang pelikula na 'Samahan ng mga Makasalanan'? Alamin dito.

Masaya ang Sparkle actor na si Jay Ortega sa naging experience sa kanyang first-ever comedy film na Samahan ng mga Makasalanan, na napanood sa mga sinehan noong Abril.

Na-enjoy ni Jay ang shoot ng pelikula sa Vigan, Ilocos Sur, kung saan muli niyang nakatrabaho sina David Licauco at Sanya Lopez, na kapwa nakasama niya noon sa hit series na Pulang Araw.

"Ang happy lang sa set kasi mostly ng mga kasama namin roon puro komedyante, so na-enjoy talaga namin nila David at saka ni Sanya 'yung company nila," sabi ni Jay.

"Kasi sina David naman at Sanya naka-work ko na sila from Pulang Araw. Sobrang happy lang nung experience," dagdag ng aktor.

Sa Samahan ng mga Makasalanan, napanood si Jay bilang Junior Chop2x Boy. Aniya, "Nag-cha-chop chop ako ng mga ninakaw na sasakyan tapos binibenta ko 'yung pyesa. So trina-try kami baguhin ni Deacon Sam, which is David Licauco."

A post shared by Jay Ortega (@ortegajay_)

Bukod kina David at Sanya, nakatrabaho rin ni Jay sa pelikula sina Liezel Lopez, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Joel Torre, at award-winning child actor Euwenn Mikaell.

Samantala, napapanood ngayon si Jay bilang Gabo sa murder mystery series na SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

Bukod dito, abangan ang karakter na gagampanan ni Jay sa iconic fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JAY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: