Game na inamin ng singer-actress na si Jayda Avanzado sa Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon sila ng romantic relationship ng It's Showtime host na si Darren Espanto.
Matatandaan na inamin din ni Darren kay Boy Abunda noong Lunes sa parehong programa na nagkaroon sila ng “something” ni Jayda pero hindi na siya nagbigay pa ng detalye rito.
Sa pagbisita ni Jayda sa talk show ni Boy ngayong Miyerkules, nilinaw na ng dalagang singer ang namagitan sa kanila ni Darren.
Aniya, “Totoo po 'yun na there was something romantic between me and him at one point. No'ng mga bata po kami parang kumbaga it's something that I actually look fondly back on. Ito lang ang masasabi ko po, it was mutual understanding po Tito Boy.”
Inusisa naman ni Boy ang ibig sabihin ni Jayda tungkol sa “mutual understanding.” Aniya, “Anong ibig sabihin n'on in your generation? Holding hands? Exclusively dating? What does it mean?”
Sagot naman ni Jayda, “Siguro po no'ng time na 'yun and in respect din sa sinabi ni Darren na he's like to keep certain things in private, para sa akin it was just mutual na we were vocal sa aming dalawa…na we were both special to each other at one point.”
Paglilinaw pa niya, “Depende po kasi sa sinet na boundaries pero siguro po with how young we were, I think it was just something na we enjoyed at the moment.”
Si Jayda ay ang unica hija ng batikang singer couple na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
Related gallery: Dingdong & Jessa's daughter Jayda Avanzado: The next Phenomenal Diva