
Napasabak sa sampalan na eksena si Jayson Gainza sa pagbisita ng Widows' War stars na sina Jean Garcia at Jackielou Blanco sa TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Ngayong July 12, natikman ni Jayson ang hagupit ng sampal ni Jean. Nauwi sa sigawan sa TiktoClock studio nang gawin nina Jayson at Jean ang impromptu aktingan.
Sa video ng TiktoClock, nagbiro pa si Jean bago ang eksena na "tanggalin ko muna kaya ang relo ko?"
Ang isa sa mga TiktoClock hosts na si Pokwang ay nagbigay ng trivia na mula kay Jean daw ang una niyang natikman na sampal sa showbiz.
Ani Pokwang, "Si Ms. Jean po ang kauna-unahang natikman kong sampal sa showbiz."
Biro pa ni Pokwang ang dahilan niya kung bakit niya pinaghusayan sa kanilang eksena
"Isang karangalan po 'yun dahil humusay ako sa pag-acting noong araw na 'yun. Ginalingan ko kasi ayoko ma-take two!"
Balikan ang mga naganap sa TiktoClock dito: