
Isang espesyal na birthday celebration ang inihanda ng TiktoClock para kay Tiktropang Jayson Gainza ngayong April 27.
Sa araw na ito ay may dance number si Jayson at binisita pa siya ng kaniyang mga co-stars at kaibigan mula sa Happy ToGetHer na sina Jenzel Angeles, Arra San Agustin, at Eric Nicolas.
Inilahad ng Kapuso comedian ang kaniyang wish sa kaniyang kaarawan. Ani Jayson, "Siyempre good health pa rin, sana tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ko.
Ayon pa kay Jayson naging instrumento ang TiktoClock kaya patuloy siyang nagbibigay saya sa mga manonood.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
"Ito, isa sa naging instrumento itong TiktoClock. Maraming-maraming salamat, TiktoClock at naging pamilya ako rito at binigyan ninyo ako ng pagkakataon at the same time, nagtuloy-tuloy tayo. Sana sama sama pa rin tayo nang matagal na panahon na pagpapasaya sa ating mga Kapuso."
Isa rin sa mga ibinahagi ni Jayson ang dasal niya para sa pamilya at sarili.
"Sa family ko, lagi ko idinadasal na maging okay kami lagi. Gabayan spiritual, financial, at 'yun nga 'yung katawan ko."
Sa huli ay nagpasalamat din si Jayson sa Sparkle GMA Artist Center dahil sa pagtulong sa kaniyang career bilang Kapuso.
"Sa lahat ng bumubuo ng Sparkle thank you so much at hindi ninyo ako pinapabayaan dito. Thank you so much po sa inyo."
Happy birthday, Jayson!
SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JAYSON GAINZA: