
Nagluluksa ngayon ang GMA Music singer na si JC Regino, anak ni OPM icon April Boy Regino, sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin at miyembro ng April Boys na si Jimmy Regino.
Sa Facebook, isang maikling tribute video ang ibinahagi ni JC kung saan sa isang clip ay makikitang kasama niyang kumakanta ang mga tiyuhin at April Boys members na sina Jimmy at Vingo.
"Rest in peace Tito Jimmy Regino of April Boys! Grabe sobrang lungkot dahil nawala ka na Tito Jimmy. Ang saya-saya pa natin nu'ng nag-rehearsal tayo, puro tayo tawanan," pag-alaala ni JC sa kanyang Tito Jimmy.
Pagpapatuloy niya, "Tapos after ilang araw na-hospital ka. Ngayon iniwan mo na kami. Maraming salamat po sa mga payo n'yo sa akin. Salamat po sa musika. Rest in peace, Tito Jimmy! Mami-miss ka namin! We Love You!"
@jcregino03 Rest in peace Tito Jimmy Regino of April Boys! Grabe sobrang lungkot dahil nawala ka na tito jimmy.. Ang saya saya pa natin nung nagrehearsal tayo, puro tayo tawanan. tapos after ilang araw na hospital ka.. ngayon iniwan mo na kami.. Maraming Salamat po sa mga payo nyo sa akin.. salamat po sa musika.. Rest in Peace Tito Jimmy! Mamimiss ka namin! We Love You! #restinpeace #jimmy #Aprilboys ♬ original sound - Jc Regino
Libo-libo ang mga tagahangang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa post na ito ni JC, na kasalukuyang mayroong mahigit one million views.
Una nang ibinalita ni Vingo Regino ang pagkawala ng kapatid na si Jimmy dalawang araw matapos ang Pasko.
Ayon kay Vingo, matagal ng nasa ospital ang kanyang kapatid. Aniya, "Para bang hinihintay na lang niya na magkita kami kahapon, matagal na siya sa ospital pero parang hinihintay niya na lang na magkita kami."
Noong February 2023, nakipag-collaborate si JC kasama ang April Boys na sina Vingo at Jimmy sa debut single niyang "Idolo," na isinulat niya para sa mga tagahanga ng April Boys at ng amang si April Boy Regino, na pumanaw noong November 2020.
Related content: Meet singer-songwriter JC Regino, son of OPM icon April Boy