
Si Jean Garcia ang isa sa mga talaga namang sinusubaybayan ng Pinoy viewers sa hit murder mystery drama na Widows' War.
Napapanood si Jean Garcia bilang si Madam Aurora Palacios, kinatatakutan ng halos lahat ng karakter sa serye.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa batikang aktres, inilarawan niya kung ano ang ipinaglalaban ni Aurora.
RELATED CONTENT: Widows' War: Who's the toughest widow among these women?
Ipinaliwanag niya rin kung ano ang pagkakakilala niya sa kanyang karakter na inihalintulad niya sa kanyang pagiging ina sa tunay na buhay.
Ayon kay Jean, “Si Aurora kasi is matapang, very strong woman, very manipulative pero ang love niya sa family ay hindi matatawaran.
“Kung gaano siya katapang, kung gaano siya katigas at ka-istrikto ganun din ang level pagdating sa pagmamahal at suporta sa family,” dagdag pa niya.
Paliwanag pa ng aktres, “She [Aurora] will do her best not to harm a family member… 'yun na talaga 'yung personality niya but still pagdating sa family ang heart niya nandoon… 'yun ang priority niya.”
Kasunod nito, inilahad ni Jean Garcia na pagdating sa pagmamahal sa pamilya ay may pagkakatulad sila ng kanyang karakter na si Aurora.
Pahayag niya, “Gagawin mo ang lahat, ipaglalaban mo ang mga mahal mo sa buhay no matter what.'Yan din ang palagi kong sinasabi sa mga anak ko, kahit anong mangyari nandito lang si Mama."
"Pero siyempre, kapag may ginagawa o nakikita akong mali, kailangan nating i-correct,” pahabol pa ni Jean.
Samantala, si Aurora Palacios ba ang mastermind sa mga patayan sa serye?
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng Widows' War.
Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.