
Bukod sa ilang That's Entertainment stars, mapapanood din sa MAKA ang iba pang artista ng ilang GMA youth-oriented show tulad ng T.G.I.S. at Tween Hearts.
Kasalukuyang napapanood sa MAKA ang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar.
Ilan sa mga bagong aabangan sa teen show ay si Jeffrey Santos na naging bahagi rin noon ng That's Entertainment, ang aktres na si Bernadette Allyson mula sa T.G.I.S., at ang aktor na si Jake Vargas na napanood naman noon sa Tween Hearts.
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Tampok sa inspiring Z series na may musical elements ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA.
Dito matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA
SAMANTALA, NARITO ANG PASILIP SA ILANG MGA EKSENA SA EPISODE 6 NG 'MAKA':