
Napaiyak sa saya ang Kapuso actress at YouTube vlogger na si Jelai Andres sa surprise birthday party na inihanda sa kanya ng kanyang mga kapatid at magulang.
Sa kanyang latest vlog, makikita ang reaksyon ni Jelai nang malaman na para sa kanya pala ang birthday party na kaniyang pinuntahan na buong akala niya ay para sa kaniyang avid fan.
Masaya ang aktres na makita ang kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan na nagsama-sama para sa kaniyang kaarawan.
"Nag-bi-birthday ako hindi lang ako nag-se-celebrate kasi ilang taon 'yung dumaan na kapag birthday ko lagi lang akong umiiyak. Pero masaya ako ngayon, 'yung iyak ko ngayon masaya," emosyonal na sinabi ni Jelai.
Hindi raw sanay ang aktres na magkaroon ng birthday celebration dahil taon-taon siyang broken hearted noon.
Kuwento niya, "Kapag birthday ko kasi lagi akong broken hearted. Pero ngayon masaya ako kasi nandito kayong lahat."
"Hindi ako makapaniwala na nandito kayong lahat. Thank you so much!," aniya.
Spotted sa kanyang birthday party ang ilang Kapuso host at comedians na sina Boobay, Divine Tetay, Pepita Curtis, hunk actor na si Prince Clemente, at dating Owe My Love co-star na si Pekto. Present din ang kapwa YouTube vloggers at mga kaibigan ni Jelai na sina Zeinab Harake at Mika Salamanca.
Panoorin ang unang bahagi ng birthday vlog ni Jelai, DITO:
Samantala, kilalanin naman ang ilang mga lalaki sa buhay ni Jelai Andres sa gallery na ito: