GMA Logo jelai andres jon gutierrez lie detector test
Celebrity Life

Jelai Andres, hindi na sinusuot ang wedding ring nila ni Jon Gutierrez?

By Bianca Geli
Published July 16, 2020 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jelai andres jon gutierrez lie detector test


Magbubukingan sa isang lie detector test sina Jon Gutierrez at Jelai Andres. Sino kaya ang mahuhuling di nagsasabi ng totoo?

Isang lie detector test challenge ang ginawa nina Jon Gutierrez o King Badger at Jelai Andres sa recent vlog nila para sa kanilang YouTube channel na JoLai.

Ikinasal ang dalawa noong October 2018 at naghiwalay noong April 2019 ngunit nanatiling legally married.

Naging malapit na muli ang dalawa bilang magkaibigan at nakikita na muling magkasama sa kanilang mga vlogs kasama ng kanilang mga kapwa vloggers.

Unang tinanong si Jon sa lie detector challenge, tungkol sa diumano'y pambababae nito noon.

"Mangloloko ka pa ba ulit?" tanong ng Kapuso actress na si Jelai.

Hindi naman na-ground si Jon, na senyales na nagsasabi ito ng totoo.

Sunod na tanong kay Jon sa hot seat, "May kinakausap ka pa bang ibang babae?"

Sumagot naman ang rapper na si Jon ng "wala" pero nakuryente ito.

Agad naman dumipensa si Jon at iginiit na nagsasabi siya nang totoo.

"Facebook, Instagram...wala na akong SnapChat o Viber. Check my phone, I don't care," ani ni Jon.

Nang si Jelai naman ang tanungin kung may iba pa itong nakakausap o ka-fling, sumagot ito ng "no" ngunit nakuryente.

Ipinakita naman ni Jon na suot niya pa rin ang wedding ring niya kahit nagkalabuan sila.

Pabirong sabi naman ni Jelai, na nagtanggal na ng wedding ring, "Paano na 'yung mga ka-chat ko kapag nakita ako sa personal?"

Dagdag nito, "Saka ko lang 'yan ibabalik kapag nagkabalikan kami."

A post shared by Jon Gutierrez (@easymoneybadger) on

Sunod namang tinanong si Jon, "Kung magkakabalikan pa kayo, gagawa ka pa ba ng mali?

Sagot nito, "Yes. Pero hindi in terms of relationship.

Paliwanag niya, "Kunwari, pinabili niya ako ng mangga, hindi ko alam kung anong klase ng mangga guso niya talaga..."

Binuking naman ng kapwa nilang vlogger na si Zeinab Harake si Jelai.

"Kunwari, magkaroon ng girls' night out, 'tapos may mga bebe doon, sasama ka ba samin ni Donna na mambebe as single? Manlalalaki tayo, ganun."

Sagot ni Jelai, "Yes."

Nang makuryente ito, binawi niya agad ang sagot habang natatawang sinabi "So, hindi ako sasama,"

"Pero hindi namin gagawin 'yun," dagdag ni Zeinab.

Panoorin ang buong vlog:

Edgar Allan Guzman shares anniversary US trip vlog with girlfriend Shaira Diaz

Mikee Quintos teases new direction of her vlog

Kryz Uy admits having "mini breakdown" in latest vlog about her struggles as new mom