GMA Logo Jelai Andres love life now
source: jelaiandresofficial/IG
Celebrity Life

Jelai Andres, may nagpapatibok na nga ba ng kanyang puso?

By Kristian Eric Javier
Published July 21, 2026 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: July 21, 2026
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres love life now


Sino na nga ba ang nagpapatibok ng puso ngayon ni Jelai Andres?

Ngayong granted na ang annulment nina Jelai Andres at Jon Gutierrez, may nagpapatibok na nga ba muli sa puso ng social media influencer?

“Tito Boy, mga pet sa ngayon. Sana meron, Tito Boy, 'yun 'yung dinadasal natin kay Lord ngayon, 'yung tamang tao,” sagot ni Jelai sa kanyang 'Fast Talk with Boy Abunda' interview nitong Lunes, July 21.

Paglilinaw ni Jelai, hindi naman niya hinahanap ang taong muli niyang mamahalin. Sa halip, mas pinipili niyang mag-intay “kung meron.”

“Sabi ko nga, natuto ako na 'yung happiness ko, hindi ko nakukuha sa ibang tao kasi sumaya ako mag-isa. Kung merong darating, buo ako, Tito Boy. Kung wala man, buo pa rin ako, so mag-aantay ako kung sino 'yung binigay ni Lord,” sabi ni Jelai.

Aminado si Jelai na naging mahirap at masakit ang naranasan niya sa dating asawa. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin sinasara ng social media influencer ang pintuan niya para sa bagong pag-ibig.

Paglilinaw ni Jelai, “Hindi, Tito Boy, hindi ako nagsasara. May trauma ako, Tito Boy, pero yes, kaya naman natin 'yan i-manage. Kaya ko nang pagalingin 'yung sarili ko.”

BALIKAN ANG TIMELINE NG RELASYON NINA JELAI AT JON SA GALLERY NA ITO:


Makikita rin sa kaniyang pahayag ang leksyong natutunan ni Jelai mula sa relasyon nila ni Jon; na dapat niyang unahin ang kaniyang sarili.

“Mahal mo dapat ang sarili mo, mas mahal mo ang sarili mo bago ka magbigay ng totoong pagmamahal sa partner mo,” sabi ni Jelai.

Kung hihiling naman siya ng bagong boyfriend, ang gusto umano ni Jelai ay iyong maka-Diyos.

“'Yung naniniwala siya sa Diyos. Kasi from doon pa lang, takot na siyang gumawa ng masama. Alam na niya 'yung tama, alam na niya 'yung utos,” sabi ng influencer.

Hiling din ni Jelai na sana ay ma-respeto ito sa babae at mahal ang magulang at pamilya.