
Sa latest vlog ni Jelai Andres, ikinuwento niya na mayroon daw siyang dating boyfriend na pumanaw na ngunit nananatili naman siyang close sa mga magulang nito.
Sa vlog ng My Fantastic Pag-ibig: Dear Ghostwriter actress na "sagot o lago" ay pinangalanan ni Jelai ang isa sa mga naging ex-boyfriend niya.
Source: jelaiandresofficial (Instagram)
Aniya, “Paul Santos. Siya 'yung ex ko na wala na pero ang bait-bait niya. Ang tagal namin. Lahat naman ng naging ex ko matatagal kami. Pinakamaikli is three years.”
Dagdag pa ni Jelai, kahit na pumanaw na si Paul ay nananatili ang ugnayan nila ng pamilya nito.
“Nandun na siya sa langit. 'Yung family niya is friends ko pa din kahit nung kinasal ako. Umuwi pa sila galing ibang bansa. Lahat ng family umuwi for the wedding,” aniya.
Kinuha pa raw niya umanong ninong, ninang, at abay ang mga kamag-anak nito.
“Hanggang ngayon okay na okay kami nung family nila kasi natutuwa ako super naging close ko 'yung parents. Tapos lagi namang ganun, e. Love ako ng mga parents ng mga nagiging ex as in. Gustung-gusto nila ako, promise.
“Kaya hanggang [ngayon] kapag nakikita ako ni mommy, mommy pa rin 'yung tawag ko sa kanya, 'yung mommy ni Paul. Naiiyak kasi siya kapag nakikita niya ako, naiiyak siya kasi naaalala nila siyempre 'yung anak nila na wala na,” sabi pa ng aktres.
Panoorin ang kanyang vlog:
Samantala, kamakailan lang ay nag-upload din ng kanyang vlog ang asawa ni Jelai na si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang King Badger. Ipinakita nito sa publiko ang naging pag-uusap nila ng kanyang ina na may payo sa anak na umalis na ng Pilipinas.
Balikan ang timeline ng relationship nina Jelai at Jon sa gallery na ito:
Samantala, pagbibidahan ni Jelai ang unang handog ng bagong season ng romance-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig, ang “Dear Ghostwriter, katambal si Kapuso actor Juancho Triviño.
Susundan sa “Dear Ghostwriter” ang kuwento ni Purple (Jelai), isang writer na mare-reject ang sinulat na nobela dahil sa tragic at anti-romantic nitong kwento. Dahil sa personal na hugot sa buhay, pinapatay niya lagi ang mga lalaking karakter sa mga kathang istorya niya.
Pero dahil nais ni Purple na maging published author, hihingi siya ng pagkakataon sa publisher na ibahin ang kanyang kwento. Subalit masisira naman ang kanyang laptop.
Dahil dito, mapipilitan si Purple na bumili ng second-hand laptop sa online shop. Matapos ang ilang araw ay darating ang kanyang order pero ang hindi niya alam, hindi lang laptop ang kanyang matatanggap dahil kasama rin nito ang ligaw na kaluluwa ni Joshua (Juancho).
Saan hahantong ang kanilang pagkikita? Ano ang magiging papel ni Joshua sa buhay ni Purple? Matapos kaya ni Purple ang isinusulat niyang romance novel?
Bukod kina Jelai at Juancho, tampok din sa “Dear Ghostwriter” sina Angellie Sanoy at Terry Gian.
Source: juanchotrivino (Instagram), jelaiandresofficial (Instagram)
Abangan ang My Fantastic Pag-ibig: Dear Ghostwriter ngayong Sabado, May 8, 7:45 p.m., sa GTV.
Maaari naman itong mapanood ng mga Kapuso abroad via GMA Life TV.