GMA Logo Juancho Trivino
What's Hot

Juancho Trivino, nakatatlong teleserye habang nag-aaral

By Marah Ruiz
Published January 30, 2021 2:57 PM PHT
Updated February 1, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino


Mahirap man, napagsabay pa rin ni Juancho Trivino ang pag-aaral at pagiging bahagi ng tatlong teleserye.

Malaya nang tumanggap ng iba't ibang acting projects ngayon si Kapuso hunk Juancho Trivino matapos siyang maka-graduate mula sa kolehiyo.

Nagtapos ni Juancho ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

Virtual man ang naging graduation ceremony dahil sa pandemic, proud pa rin sa Juancho sa milestone na ito sa kanyang buhay.

Source: juanchotrivino IG

Mahirap man, pinagsabay kasi niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Sa katunayan, naging bahagi siya ng tatlong teleserye habang nag-aaral.

"Naka tatlong teleserye ako habang nag-aaral ako. Actually medyo matinding pakiusapan siya sa production team para maka-attend ako ng mga klase ko," kuwento ni Juancho.

Bukod dito, bahagi din siya ng daily early morning show na Unang Hirit.

"Nakakausap ko rin 'yung production staff ng 'Unang Hirit' for a long time na kailangan kong hindi muna ako masyadong malayo. Or kung aabot man ako sa La Salle ng mga 11:00 am, that would be great kaya nagpapa-excuse din ako ng maaga," paggunita niya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.

Taong 2009 nang magsimula sa kolehiyo si Juancho pero aminado siyang napabayaan niya ang pag-aaral nang pumasok na showbiz.

Nagdesisyon naman siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at nag-enroll sa DLSU noong 2018.

Samantala, silipin ang ilang graduation photos ng mga paborito niyong artista sa gallery na ito: