GMA Logo Jelai Andres napatawad na ba si Jon Gutierrez
source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Jelai Andres, napatawad na ba ang dating asawa na si Jon Gutierrez?

By Kristian Eric Javier
Published July 21, 2026 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Klase sa isang paaralan sa Cabanatuan, Nueva Ecija, nabulabog dahil sa natanggap na pagbabanta
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres napatawad na ba si Jon Gutierrez


Dasal at suporta ng pamilya ang nagbigay lakas kay Jelai Andres para mapatawad si Jon Gutierrez.

Sa kabila ng masakit at mahirap na karanasan ni Jelai Andres, napatawad na umano niya ang dating asawa niyang si Jon Gutierrez, na nakilala rin sa social media bilang King Badger. Sa katunayan, ang kahilingan lang niya para sa dating asawa, maging better ito ngayon kumpara sa kung ano siya noon.

“Sana 'wag mong kalimutan, kasi dati mukhang nakalimutan mo 'yung laging tinuturo ko na lagi kang magdadasal. Pinakilala ko sa 'yo 'yung Diyos, sana mapagpatuloy mo 'yun,” sabi ni Jelai sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, July 20.

Hiling din ng social media influencer ang peace at success para sa dating partner.

Pagbabahagi ni Jelai, napatawad na niya si Jon “kasi kailangan.” Sa katunayan, matagal na niyang sinasabi na napatawad na niya ang partner. Pero ayon kay Jelai, kasinungalingan lang iyon dahil hindi pa naman niya totoong nagagawa iyon.

“Kailangan patawarin ko muna 'yung sarili ko. Nag-repent ako. Uma-attend ako ng mga seminar ng mga Christians and Catholics, and doon ko ni-repent na, 'Patawarin mo ako, Lord, kasi ginanto ko 'yung sarili ko.' Du'n ko po naramdaman na nakapagpatawad ako kasi naging hindi na 'ko galit,” sabi ni Jelai.

Ani Jelai, nawala ang galit niya sa dating partner noong tinanggap na niya ang mga nangyari, dahilan para mapatawad si Jon.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKANAKAKAGULAT NA HIWALAYAN NG CELEBRITY COUPLES SA GALLERY NA ITO:


Pagbabahagi pa ng social media influencer at aktres, “May mga ganu'n akong nararamdaman kasi Tito Boy, dati, hindi ako masaya, e. Masaya ka, malungkot ka, masaya ka, malungkot ka, next week, mag-aalala ka na naman, ang hirap sa pakiramdam. Nu'ng naging mag-isa na lang po ako, ito lang po, masaya lang pala ako dapat. Ito lang, iniisip ko lang 'yung sarili ko.”

Naging malaking tulong din umano ang kaniyang pagdarasal sa Panginoon at ang suporta ng kaniyang pamilya para makapaghilom siya.

“Naisip ko, tinanggap ko na hindi ako dapat dito; hindi ko 'to deserve. Dapat wala ako dito sa lugar na 'to. Ito na 'to, e. Ito na, wala ka nang magagawa, magmo-move forward ka kasi 'yun nga, katulad ng sinabi ko, wala ako dapat dito, naawa ako sa sarili ko,” sabi ni Jelai.

“Binigay naman ni Lord, 'yung pain, tinanggal niya. 'Yung bitterness, tinanggal niya lahat at nu'ng naramdaman kong masaya ako, du'n na po nagsimula,” pagtatapos ni Jelai.