GMA Logo Jelai Andres
Source: jelaiandresofficial (IG)
What's Hot

Jelai Andres, nilinaw ang kontrobersiya tungkol sa ex-husband na si Jon Gutierrez

By Karen Juliane Crucillo
Published August 23, 2026 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres


Jelai Andres sa cheating controversy ng ex-husband na si Jon Gutierrez: "I know the truth and [I'm] the one who experienced it."

Muling nagsalita ang content creator na si Jelai Andres matapos muling mag-trending ang cheating controversy na kinasangkutan ng kanyang ex-husband na si Jon Gutierrez, na mas kilala bilang King Badger.

Sa Facebook, nilinaw ni Jelai ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa nangyari sa kanyang dating asawa at sa babaeng sangkot sa kontrobersiya na nauwi sa kanilang paghihiwalay.

"Clear ko lang about sa rumors going around again. Ayaw ko sana 'to. Dahil hindi ako ganito. Hindi ako pala salita o pala-patol kahit sa sarili ko nang issue," sabi niya.

"But I think kailangan ko magsalita kahit minsan lang. Dahil tutal na-open na naman 'to ngayon & may maling story na naman kasi na lumalabas at nagtre-trending eh," dagdag niya.

Ibinahagi ni Jelai ang kanyang panig tungkol sa babaeng sangkot sa kontrobersiya. Aniya, naiintindihan niyang nasaktan din ito, ngunit hindi umano nito pinanagutan ang mga naging desisyon at ginawa nito.

"But that does not automatically mean you are completely innocent, and calling yourself a victim doesn't erase the consequences of the choices you made. Yes, we call it CONSEQUENCES, FYI," paliwanag niya.

Inamin ng content creator na nanahimik siya dahil gusto niya ng “peace,” lalo na sa hirap ng kanyang mga pinagdaanan. Aniya, gusto na lamang niyang maging masaya at makapagpasaya ng ibang tao.

Ngunit, saad ni Jelai, malaki ang naging epekto ng nangyaring cheating sa kanyang mental health.

“Na halos ikamatay ko na hindi alam ng nakararami. Kaya iniingatan ko na hindi [siya] ma-trigger,” saad niya.

Ayon kay Jelai, pinili niyang magsalita dahil sa iba't ibang bersyon ng kuwento na kanyang nababasa at naririnig.

"I believe this was my story too, and I know the truth, and [I'm] the one who experienced it. Marriage ko 'yun. Andun ako mismo. Ako ang andun. I know what really happened," binigyang-diin ni Jelai.

Nagbigay rin ng mensahe si Jelai para sa babaeng sangkot sa kontrobersiya.

"Ginusto mo 'yan. Ginusto mong gumawa ng choices kahit alam mong may ibang taong masasaktan, may babaeng asawa na namamatay sa sakit, may kapwa ka babaeng gabi gabing umiiyak dahil sa ginagawa niyo at may asawang babae na naghihinagpis at nagkkwestyon ng worth niya, at alam mo na may marriage na masisira," sabi niya.

"Nasa edad ka naman na para malaman ang tama at mali. Hindi ka naman grade school. Those are basic values we learn while growing up, tinuro yan ng mga magulang natin or ng mga nakakatanda," dagdag niya.

Inalala rin niya ang mga pagsubok na kanyang kinaharap habang siya ay nagpapagamot at pabalik-balik sa ospital dahil sa nangyari.

"Nag-gagamot ako noon at pabalik-balik sa hospital halos mamatay ako, while kayo nag lalandian lang sa bed namin ng ex-husband ko. Yes, dun ka din umuuwi kapag wala ako, imagine that. [Ang] tagal na panahon na [nangyayari] 'yun na wala akong kaalam-alam," kuwento niya.

Ibinahagi ni Jelai ang kanyang pasasalamat matapos makawala sa ganoong sitwasyon at sinabi niyang marami rin siyang natutunan mula rito.

"[I'm] grateful dahil binigay ni God ang pinapangarap kong annulment.

“Ayoko talaga magsalita kasi super happy naman na ako pero meron na naman kasing lumabas na mali maling story ngayon, so parang for the first time seryoso kong magsasalita," sabi niya.

"The lesson is simple: learn from the consequences," dagdag ni Jelai. "And just to clear one more thing: SHE WASN'T a minor when she had those children."

Ayon kay Jelai, ito na ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa kontrobersiya. Nagbigay rin siya ng paalala sa ibang kababaihan na umiwas sa mga lalaking kasal na o mayroon ng partner.

Sa dulo ng kanyang post, nagbigay rin ng mensahe si Jelai kay Pambansang Marites Xian Gaza, na nagsalita rin tungkol sa cheating controversy nila ni Jon.

"To Xian: Most probably iba ang na-ikwento sayo na story. MALI mali e. And I understand that this is your work and she's also [your] friend. Appreciate that [you] acknowledged my pain and burden before as a wife. But please next time, ask me directly para equal ang source mo hindi lang isang side at maling story ang kakalat from you. Salamat," sabi niya kay Xian.

Sina Jelai at Jon, kilala bilang JoLai, ay naging magkarelasyon noong 2015 at ikinasal noong October 6, 2018.

Naghiwalay sila noong 2019, ngunit muling nagkabalikan sa sumunod na taon.

Gayunman, noong 2021, muli silang naghiwalay matapos akusahan si Jon ng paulit-ulit na pagtataksil.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Jelai Andres and Jon Gutierrez's relationship timeline