GMA Logo Jelai Andres's successful prank to Buboy Villar is now trending!
Celebrity Life

Jelai Andres's successful prank to Buboy Villar is now trending!

By EJ Chua
Published May 30, 2022 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres's successful prank to Buboy Villar is now trending!


Binigyan ng effort ni Jelai Andres ang panibagong prank sa kaniyang BFF na si Buboy Villar.

Matapos ang prank na isinagawa ni Jelai Andres para surpresahin ang kaniyang kaibigan na si Buboy Villar sa birthday nito, trending naman ngayon ang panibagong prank na pinaghandaan niya ng todo para sa Kapuso actor.

Nito lamang May 26, in-upload ni Jelai ang isang video sa kaniyang YouTube channel kung saan mapapanood ang matinding prank na ginawa niya para subukan ang pasensya ni Buboy.

Kunwaring kinalaban ng aktres ang kaniyang kaibigan sa negosyo nito at ang kaniyang kasabwat ay hindi lang basta customer kundi mga tauhan mismo ng aktor.

Tila pinaghandaan ng social media star ang araw na iyon dahil nagprint pa siya ng tarpaulins at nagdala ng mga kagamitan upang mas maging makatotohanan ang prank.

Panoorin dito ang prank ni Jelai Andres kay Buboy Villar na trending ngayon sa YouTube:

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1.7 million ang vlog ng aktres kasama ang Kapuso comedian.

Nagsimulang maging magkaibigan sina Jelai at Buboy nang maging magkatrabaho sila sa GMA's drama-romantic comedy series na Owe My Love na ipinalabas sa GMA noong 2021.

Simula noon, madalas na rin silang nagkakasama sa ilang vlogs na ina-upload nila sa kani-kanilang mga Youtube channel.

Samantala, balikan ang surprise party na inihanda ng pamilya at mga kaibigan ni Jelai Andres para kanyang 31st birthday sa gallery na ito: