
Masaya at exciting ang Friday (June 20) episode ng Family Feud dahil maglalaro ang talented cast ng Sanggang Dikit FR.
May pagalingan na sa paghula ng top answers ang cast ng Sanggang Dikit FR, mayroon pang prank na inihanda ang Family Feud kay Jennylyn Mercado. Alamin kung ano ang gagawin ng host na si Dingdong Dantes at ng accomplice na si Dennis Trillo kay Jennylyn.
Mamumuno sa dalawang teams ngayong Biyernes ang real-life couple na sina Jennylyn at Dennis.
Kasama ni Jennylyn sa Team Bobby sina Liezel Lopez, Chanty Videla at Zonia Mejia. Samantala, makakagrupo ni Dennis sa Team Tonyo ang kanilang co-stars na sina Matthew Uy, Seb Pajarillo, at Allen Dizon.
Fun showdown sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang aabangan ngayong Biyernes kaya tutok na sa Family Feud!
“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.