
Ngayong September 25, makaka-bonding ng Legaspi family ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Miguel Tanfelix sa bagong episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Ang Ultimate Star na si Jennylyn ay iwe-welcome tayo sa kanyang kitchen at paghahandaan pa tayo ng masarap na dish.
Si Miguel ay mapapanood rin ngayong Sabado para i-reveal ang ilang mga messages at photos sa kaniyang phone.
Sina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ay may fun at exciting na challenge na haharapin. I-impersonate nila ang kanilang mga characters na ginampanan sa iba't ibang mga Kapuso shows.
Siguradong exciting ang umaga dahil may chance pang manalo ng PhP 5000 sa Sarap, 'Di Ba? 5k Giveaway.
Tutok na ngayong September 25 sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, 10:00 am sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition: Carmina Villarroel's fun birthday celebration