GMA Logo Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Source: mercadojenny/IG
Celebrity Life

Jennylyn Mercado, 'comfort and joy' para sa kaniya ang asawang si Dennis Trillo

By Kristian Eric Javier
Published May 13, 2025 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado


Nagbigay ng short but sweet na pagbati si Jennylyn Mercado para sa kaarawan ng mister na si Dennis Trillo.

Isang short but sweet birthday greeting ang sinulat ni Jennylyn Mercado para sa kaarawan ng kaniyang asawa na si Dennis Trillo nitong Lunes, May 12.

Sa Instagram, nag-post si Jennylyn ng litrato ni Dennis kalakip ang kaniyang mensahe para sa asawa.

“Celebrating the wonderful man you are today and every day. Happy Birthday, Papa! (Dennis Trillo) Maraming salamat sa pagmamahal. Your love is our constant source of comfort and joy. We love you so much,” caption ni Jennylyn sa kaniyang post.

Komento naman ni Dennis sa post ni Jennylyn, “I love you so much.”

BALIKAN ANG HEARTFELT MESSAGE NI JENNYLYN PARA SA KAARAWAN NI DENNIS NOONG 2024 SA GALLERY NA ITO:

Bukod kay Jennylyn, binati rin si Dennis ni Kiel Rodriguez, ang co-star niya noon sa Maria Clara at Ibarra, at ngayon sa bago nilang serye na Sanggang Dikit FR.

Nag-post si Kiel ng litrato nila ni Dennis sa Instagram Stories niya, at may pagbati na “Maligayang kaarawan ginoo!”

Binati rin ang Kapuso Dramatic actor ng Filipino artist na naka base sa Austin, Texas na si Boy Rose Universe.

“Maligayang Kaarawan Kuya LODI (Dennis Trillo) Thank God for your Life and existence. Yakap sa inyo mula sa malayo! -Nar&VJ” komento niya sa post ni Jennylyn.

Bukod sa pagbati ni Jennylyn kay Dennis sa social media, sinorpresa rin ng aktres ang kaniyang asawa sa pictorial ng kanilang bagong serye na Sanggang Dikit FR ngayong Martes, May 13.

Kasama ang buong team ng kanilang serye, nagdala ng cake si Jennylyn para kay Dennis. May short but sweet na message din ang Ultimate Star para sa aktor, na nakatanggap naman ng matamis na halik mula dito.

Samantala, ipagdiriwang naman ni Jennylyn ang kaniyang ika-38 na kaarawan sa May 15.