GMA Logo Jennylyn Mercado album launch
What's Hot

Jennylyn Mercado, 'forever baby' ang anak na si Alex Jazz; inilabas na ang 'JEN Deluxe' album

By Aimee Anoc
Published August 22, 2026 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado album launch


Kamakailan lamang ay nag-celebrate ang family ni Jennylyn Mercado para sa 18th birthday ng panganay na anak na si Alex Jazz. Basahin dito.

Masaya at proud mom ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na makitang lumalaki nang maayos ang kanyang mga anak.

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ang kanyang pamilya para sa 18th birthday ng panganay na anak na si Alex Jazz na, aniya, parang kailan lang ay bata pa.

"Simple lunch lang sa favorite restaurant ni Kuya Jazz. Tapos lumipat kami para doon sa favorite dessert place naman ni Kuya Jazz. Sobrang saya na niya. Simpleng-simple lang," sabi ni Jennylyn sa interview kay Nelson Canlas para sa 24 Oras.

"Si Jazz, forever ko 'yang baby. Talagang ano siya very sweet, hindi siya nagbabago, ganu'n pa rin siya. Kung ano 'yung maliit na Jazz na kilala ko, ngayon ganu'n pa rin, napakalambing. Malaki lang talaga pero napakalambing pa rin. Napakabait na bata," dagdag niya.

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Samantala, noong Biyernes (August 21) ay inilabas na ni Jennylyn ang kanyang comeback album na "JEN Deluxe".

Ayon sa aktres, na-miss niya ang paggawa ng music at, aniya, sa kanyang album ay na-express niya ang iba't ibang feels ng love.

Dagdag pa niya, ibang level na ang kilig na kanyang nararamdaman ngayon habang nagma-mature bilang ina at asawa.

"Nakakakilig din syempre na makita mong lumalaki 'yung mga anak mo nang very smart, mababait na bata, God-fearing, marespeto. Nakakakilig din kahit na syempre matagal na kaming magkasama ni Dennis [Trillo], araw-araw pa rin niya akong pinapakilig," kuwento pa ni Jennylyn kay Nelson.

Panooring ang buong interview ni Jennylyn Mercado sa 24 Oras dito:

RELATED CONTENT: Jennylyn Mercado unveils new album 'JEN Deluxe'