
Hindi lang magbabalik sa pag-arte ang aktres na si Jennylyn Mercado sa upcoming GMA series na Love. Die. Repeat. dahil siya rin ang kumanta ng soundtrack nito.
Sa post ni Jennylyn sa kaniyang Facebook page, ibinahagi nito ang isang larawan ng aktres sa isang recording studio.
"Our ultimate star is currently recording the theme song for her teleserye 'LOVE. DIE. REPEAT.' Malapit na malapit na. Excited na ba kayo mapanuod muli siya sa telebisyon?"
Huling napanood sa telebisyon si Jennylyn noong 2020 sa programang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
Ang Love. Die. Repeat ang una nilang pagtatambal ni Xian Lim. Malapit na 'yan mapanood sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG LARAWAN MULA SA TAPING NG LOVE. DIE. REPEAT. DITO: