GMA Logo Jennylyn Mercado and Xian Lim
Sources: mercadojenny/IG and xianlimm/IG
What's Hot

Jennylyn Mercado, masayang katrabaho si Xian Lim sa 'Love. Die. Repeat.'

By Kristian Eric Javier
Published August 8, 2023 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: May 12, 2026
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El NiƱo threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Xian Lim


Masaya si Jennylyn Mercado na hindi nagbago ang co-star niyang si Xian Lim sa loob ng halos dalawang taon na hindi sila nagkatrabaho.

“Hindi pa rin siya nagbabago. Very playful, at gentleman, magaling na artista.”

Sa ganyang paraan inilarawan ng bida ng upcoming series na Love. Die. Repeat. na si Jennylyn Mercado ang co-star niyang si Xian Lim.

Sa interview ni Jennylyn sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong ang aktres kung kumusta katrabaho ang co-star niyang si Xian at ang sagot nito, “Masaya, kahit na nung first time namin nung 2021.”

“Hindi pa rin siya nagbabago. Very playful, at gentleman, magaling na artista. Talagang very supportive siya sa mga scene,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Jennylyn ay natulungan at inalalayan pa siya ni Xian, ng ibang co-stars nila, at ng direktor nilang si Irene Villamor sa pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye.

Mahigit dalawang taon nang hindi lumalabas sa kahit anong proyekto si Jennylyn para alagaan ang pamilya nila ng asawang si Dennis Trillo, kasama ang baby nilang si Dylan.

Sa naunang interview ni Nelson Canlas sa Kapuso Ultimate Star, inamin nitong naging malaki ang adjustment niya nang bumalik siya sa trabaho, at sinabing para siyang baguhan na artista.

“Nag-focus sa pagiging mommy kay Dylan. Nag-focus sa pagiging wife, pero I'm sure nandiyan 'yung co-artists ko, nandiyan 'yung production, nandiyan sina direk para tulungan din akong i-motivate 'yung sarili ko na 'Ay, kaya mo 'yan,” sabi nito.

Sa interview ni Jennylyn sa Updated with Nelson Canlas, sinabi rin ng aktres na sobrang kinakabahan siya, lalo na noong first online meeting nila uli para sa serye. Umabot pa sa punto na pumunta siya sa first day ng taping nila na nanginginig at hindi makahinga.

“Pakiramdam ko, hindi na ko marunong. Parang nahihiya ako, tapos hindi ko ma-memorize 'yung script ko,” sabi nito.

Dagdag pa nito, “Ngayon parang baby brain pa, 'yung hindi ko pa agad makabisado so kailangan ko pa ng time. Sa tulong nila direk, ng mga co-artist ko, magagaling. Tinutulungan talaga nila ako. inaalalayan nila ako.”

Mapapakinggan ang buong interview ni Jennylyn sa Updated with Nelson Canlas dito: