
Grateful ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa mataas na ratings ng kanilang show na Love. Die. Repeat. 'Yan ang kwento ng aktres sa kanyang interbyu kay Nelson Canlas para sa 24 Oras.
"Masaya rin syempre na ang sipag na maghashtag ang mga taong sumusuporta at nanonood ng Love.Die.Repeat at happy ako na gabi-gabi rin talagang sinusubaybayan nila," sabi ni Jennylyn.
Dagdag pa niya, "Thankful din ako dahil syempre hindi naman biro rin yung mga katapat namin kaya nagpapasalamat ako sa mga gabi-gabi talagang nanonood."
Inamin ng Kapuso actress na ang kaniyang role bilang Angela ay isa sa mga pinaka-challenging niyang pagganap sa kaniyang buong showbiz career. Kaya naman nais niya gumanap sa isang rom-com film na tila pang banlaw raw sa bigat niyang karakter sa Love.Die.Repeat.
"Na-miss ko siya kasi from this project na medyo--hindi medyo mabigat at challenging. Gusto ko naman kahit papaano mag-enjoy [at] mag-relax."
Bukod dito, nabanggit din ng Kapuso star na gusto niya rin makatrabaho ang kaniyang mister at Kapuso actor na si Dennis Trillo sa isang pelikula. Pero habang naghihintay ng oportunidad, focus daw muna si Jennylyn sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. Sa nauna nang panayam sa aktres binanggit nito kung gaano siya ka-disciplinarian bilang nanay.
"Sa pamilya, merong bad cop at may good cop pero importante kasi iyon kasi yun yung magiging foundation , kung paano sila palalakihin, madidisiplina ng maayos habang lumalaki," kuwento niya.
Bilang ina, ayaw daw ni Jennylyn papasukin ang kanilang bunso sa showbiz dahil alam niya kung gaano kahirap ang kaniyang propesyon. Ngunit papayag rin naman daw siya kung talagang gusto ng kaniyang anak na pumasok sa mundo ng midya paglaki.