
Balde-baldeng luha agad ang iniiyak ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa bago niyang seryeng Love. Die. Repeat.
Sa ikaapat na episode pa lang ng GMA Prime series, ipinakita na ng Ultimate Star ang kanyang pagiging mahusay na dramatic actress.
Sa nasabing episode, nangyari na ang hindi inaasahan ni Angela, karakter ni Jen, ang pagkamatay ng mister niyang si Bernard, na ginagampanan ni Xian Lim, sa araw mismo ng birthday nito sanhi ng car accident.
Hindi matanggap ni Angela ang maagang pagkawala ng kanyang asawa lalo pa at buntis siya.
Pinag-usapan naman sa social media ang makabagdamdaming tagpong ito sa Love. Die. Repeat. na ipinalabas noong Huwebes, January 18.
"Pinasabugan tayo ng pagiging DRAMA QUEEN ni Mama Jen kagabi. Siya talaga ang ULTIMATE STAR of Philippine Showbiz!💯" sabi sa tweet ng X user na si @KapusoBuzz.
Isama na din natin to!!
-- Kapuso Buzz (@KapusoBuzz) January 19, 2024
Pinasabugan tayo ng pagiging DRAMA QUEEN ni Mama Jen kagabi. Siya talaga ang ULTIMATE STAR of Philippine Showbiz!💯#LDRDeathOfBernard#LoveDieRepeat #JennylynMercado #KapusoBuzz pic.twitter.com/gV4gxbJOAg
Ayon naman sa X user na may handle na @AltKamuning, nagpakitang gilas agad si Jen matapos ang kanyang two-year hiatus sa pag-arte.
"Ayan na siya. Nagpakitang gilas na siya. The Ultimate Star, The Standard of Drama, THE Jennylyn Mercado showing everyone why she is a Queen.
"Naiimagine ko ang emotions na ininvest ni Jen sa #LoveDieRepeat. Give her the Best Actress trophy already. 👑✨"
Ayan na siya. Nagpakitang gilas na siya. The Ultimate Star, The Standard of Drama, THE Jennylyn Mercado showing everyone why she is a Queen.
-- Alt Kamuning (@AltKamuning) January 18, 2024
Naiimagine ko ang emotions na ininvest ni Jen sa #LoveDieRepeat. Give her the Best Actress trophy already. 👑✨️#LDRDeathOfBernard pic.twitter.com/W9vPaATM4I
Talaga namang patok ang pagbabalik-teleserye ni Jen dahil marami ang nakaabang gabi-gabi sa kanyang pinagbibidahang serye.
Ang comeback video ng aktres ay mayroon nang mahigit isang milyong views sa Facebook page ng GMA Drama.
Mapapanood din sa Love. Die. Repeat. sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, at Victor Anastacio.
Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.
Ipinapalabas din ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.
Ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Sineneng.