GMA Logo Jennylyn Mercado with fan jayco manangan
What's Hot

Jennylyn Mercado, na-meet ang avid fan na nakakumpleto ng anim na album niya

By Jansen Ramos
Published February 10, 2024 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado with fan jayco manangan


Sa kanyang 20th anniversary sa entertainment industry, nakatakdang maglabas ang 'Love. Die. Repeat.' lead star na si Jennylyn Mercado ng bagong album.

Dream come true para sa avid fan ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na si Jayco Manangan na ma-meet up-close ang iniidolong Kapuso artist.

Nagkita ang dalawa sa media conference ng GMA series ni Jen na Love. Die. Repeat. noong January 8 sa Zenith Hall ng Luxent Hotel sa Quezon City.

A post shared by Jayco Manangan (@jaycodonut)

Sa kanilang pagkikita, proud na ipinakita ni Jayco kay Jen ang mga nakolekta niyang music album ng actress/singer.

May limang studio albums si Jen na Living the Dream (2004), Letting Go (2005), Love Is... (2010), Never Alone (2014), at Ultimate (2016), at dalawang compilation albums na Kahit Sandali: The Best of Jennylyn Mercado (2008) at GMA Collection Series: Jennylyn Mercado (2013).

Ika ng tagahanga ng Kapuso star, "STARSTRUCK Moment with The Ultimate Star ️ @mercadojenny sobrang happy ko na finally nameet ko na siya! Pinasign kopa yung 6 Albums niya at sobra niya ako naapreciate as a fan! Thank you sir @jankristofferenriquez for the video!"

A post shared by Jayco Manangan (@jaycodonut)

Sa kanyang ika-20 anibersaryo sa entertainment industry ngayong 2024, maglalabas ng bagong album si Jennylyn sa ilalim ng Star Music.

Magkaka-concert din ang actress/singer bilang parte ng kanyang anniversary celebration.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Jennylyn sa GMA Prime series na Love. Die. Repeat. kung saan katambal niya si Xian Lim.

Narito ang ilan sa mga tumatak na proyektong ginawa ni Jen sa loob ng 20 taon.