
Marami ang natutuwa at hindi maka-get over sa larawang ibinahagi ni Kapuso star Jennylyn Mercado sa Instagram kasama ang anak na si Alex Jazz.
Binatang-binata na ang 12-year-old na anak ni Jennylyn at halos magkasing tangkad na rin sila.
Makikita sa larawan ang seryosong look ni Jazz habang hawak ang ina sa bewang.
Masaya namang yakap-yakap ni Jennylyn ang anak at makikita ang malinaw na tubig at matataas na puno sa kanilang likuran.
Base sa caption ni Jennylyn, nasa The Farm At San Benito, Lipa, Batangas ang mag-ina para sa isang nature relaxation.
"Communing with nature with my Jazz at @thefarmatsanbenito. Jazzy serious yarn?" sulat ng aktres.
Hindi naman nakapagpigil ang ilang celebrity friends ni Jennylyn at napa-comment sa kagwapuhan at bilis ng paglaki ni Jazz.
"Laki na ni Jazz! Gwapo gwapo!" ani ni Chynna Ortaleza.
"Grabe may binata na akong inaanak! Pogi ni Jazzy Boy!" dagdag naman ni Yasmien Kurdi.
Tingnan ang ilang pang gwapo photos ni Alex Jazz dito: