GMA Logo jennylyn mercado in love die repeat
What's on TV

Jennylyn Mercado, pinaiyak ang mga manonood ng 'Love. Die. Repeat.'

By Jansen Ramos
Published January 19, 2024 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado in love die repeat


Sa kanyang pagbabalik-teleserye, pinatunayan ni Jennylyn Mercado ang kanyang pagiging mahusay na dramatic actress sa pilot week pa lang ng bago niyang pinagbibidahang serye na 'Love. Die. Repeat.'

Balde-baldeng luha agad ang iniiyak ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa bago niyang seryeng Love. Die. Repeat.

Sa ikaapat na episode pa lang ng GMA Prime series, ipinakita na ng Ultimate Star ang kanyang pagiging mahusay na dramatic actress.

Sa nasabing episode, nangyari na ang hindi inaasahan ni Angela, karakter ni Jen, ang pagkamatay ng mister niyang si Bernard, na ginagampanan ni Xian Lim, sa araw mismo ng birthday nito sanhi ng car accident.

Hindi matanggap ni Angela ang maagang pagkawala ng kanyang asawa lalo pa at buntis siya.

Pinag-usapan naman sa social media ang makabagdamdaming tagpong ito sa Love. Die. Repeat. na ipinalabas noong Huwebes, January 18.

"Pinasabugan tayo ng pagiging DRAMA QUEEN ni Mama Jen kagabi. Siya talaga ang ULTIMATE STAR of Philippine Showbiz!💯" sabi sa tweet ng X user na si @KapusoBuzz.

Ayon naman sa X user na may handle na @AltKamuning, nagpakitang gilas agad si Jen matapos ang kanyang two-year hiatus sa pag-arte.

"Ayan na siya. Nagpakitang gilas na siya. The Ultimate Star, The Standard of Drama, THE Jennylyn Mercado showing everyone why she is a Queen.

"Naiimagine ko ang emotions na ininvest ni Jen sa #LoveDieRepeat. Give her the Best Actress trophy already. 👑✨"

Talaga namang patok ang pagbabalik-teleserye ni Jen dahil marami ang nakaabang gabi-gabi sa kanyang pinagbibidahang serye.

Ang comeback video ng aktres ay mayroon nang mahigit isang milyong views sa Facebook page ng GMA Drama.

Mapapanood din sa Love. Die. Repeat. sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, at Victor Anastacio.

Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

Ipinapalabas din ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Sineneng.