GMA Logo jennylyn mercado and xian lim in love die repeat
What's on TV

'Love. Die. Repeat.' full trailer, may mahigit 1M views na!

By Jansen Ramos
Published January 17, 2024 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and xian lim in love die repeat


Sa ngayon, mayroon nang 1.4 million views ang full trailer ng GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.' na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

Trailer pa lang, marami na ang pinaiyak ang bagong GMA Prime series na Love. Die. Repeat.

Sa loob lamang ng ilang araw, nakakuha na agad ito ng isang milyong views sa official Facebook page ng GMA Drama matapos i-upload noong January 12. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 1.4 million views.

Sa full trailer, ipinakilala ang mga karakter ng mga bida ng serye na sina Jennylyn Mercado at Xian Lim. Gumaganap sila bilang Angela at Bernard.

Unang nagkakilala sina Angela at Bernard sa hiking hanggang sa nauwi sa kasalan.

Ipinakita rin dito ang mga pagsubok sa buhay-may asawa nina Angela at Bernard at ang isang malaking trahedya na paulit-ulit na babago sa kanilang pagsasama.

Panoorin ang buong full trailer dito.

Mapapanood din sa Love. Die. Repeat. sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, at Victor Anastacio.

Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

Ipinapalabas din ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Sineneng.