GMA Logo Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, busy sa kanilang businesses kahit naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published May 22, 2020 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo


Kahit naka-quarantine, hands-on pa rin sina Jennlyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang business.

Ibinahagi ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na bukod sa nag-level up ang kanilang baking skills habang naka-quarantine, busy din sila sa kanilang businesses dahil sila mismo ang namamahala nito.

Habang naghahanda ang dalawa para sa muling pagbubukas ng salon at café, nakatutok muna ang atensyon ng couple sa kanilang cookie business.

“Wala naman kasing p'wedeng mag-handle nu'n so sa ngayon ako 'yung naghahawak ng mga orders tapos delivery.

“Happy naman ako na ako 'yung humaahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis,” ani Jennylyn.

Samantala, bukod dito, masaya rin sinabi ni Jennylyn na natupad na niya ang pangarap niyang maging baker dahil nahasa niya ang kanyang skills habang nakapirmi sa bahay.

In fact, ang aktres na mismo ang nag-bake ng kanilang birthday cake nang ipagdiwang nila ang kanilang kaarawan kamakailan.

“Ngayon halos wala namang nagbebenta ng cake so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi 'yung carrot cake,” sabi pa ng aktres.

Ayon naman kay Dennis, natututo sila ng iba't ibang baking recipes mula sa panonood ng iba't ibang video o content online.

“Mahilig kaming manood ng videos onine so naghanap kami ng mga recipe para gumawa ng mga sarili naming cake tsaka mga pizza, tinapay,” aniya.

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Samantala, tampok ang JenDen sa Bayanihan Musikahan online fundraiser na inorganisa ni National Artist Ryan Cayabyab nitong Huwebes, May 21.

Inamin naman ni Jennylyn na nakaramdam sila ng pressure dahil ilang tinitingalang mga mang-aawit na ang naging bahagi ng naturang online concert.

“Pressured kasi siyempre 'yung mga nauna sa amin ay talagang hindi basta-basta, 'yung level. So talagang pinaghandaan namin,” anang aktres.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo to join 'Bayanihan Musikahan' COVID-19 fundraiser

Ang Bayanihan Musikahan ay initiative ng OPM artists para makatulong sa publiko sa gitna ng COVID-19 crisis.

Panoorin ang buong 24 Oras report: