
Hindi inaasahan ni Jeremiah Tiangco na maririnig ang boses sa katatapos lamang na Miss Universe 2023.
Sa pagsisimula ng evening gown competition ng semi-finalists ng Miss Universe 2023, narinig ang kantang "Do You Wanna Do This" ni Jeremiah. Ito ay bago pa man mag-perform ang Grammy winner na si John Legend ng hit song niyang "Wonder Woman."
@philippine_celeb iba talaga pag Pinoy😍 @jeremiahtiangco congrats idol🫶 ano na @gmanetwork @sparklegmaartistcenter @gmamusic ♬ original sound - Philippine_Celeb
"Sobrang nakaka-proud lang dahil hindi ko in-expect ito na maririnig ang boses ko sa [Miss Universe] kahit hindi kami natuloy mag-fly papuntang 'El Salvador' still masasabi kong 'Malayo pa pero Malayo na,'” aniya.
"Thank you GMA Network, @Ms. Universe, GMA Music for this opportunity. Literal na nasa ere pa feels ko ngayon," pasasalamat ng Kapuso singer.
Nakilala si Jeremiah Tiangco nang tanghaling kampeon sa The Clash Season 2 noong 2019.
Ilan sa mga kantang nai-record niya under GMA Music ay ang "Titulo" at "Sa Tuwing Umuulan."
Noong Setyembre, inilabas ni Jeremiah ang bagong single na "Paa (Paa-kap)," ang una niyang kantang isinulat.
Congratulations, Jeremiah Tiangco!
MAS KILALANIN SI JEREMIAH TIANGCO SA GALLERY NA ITO: