
Isang pagkilala ang tinanggap ng Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Therese Malvar sa isang international film festival.
Sina Jeric at Therese ay nagwagi ng Best Actor at Best Actress In an Indie award sa ginanap na Mokkho International Film Festival (MIFF) sa India.
Photo source: theresemalvar (IG)
Ang kanilang pagkilala ay mula sa kanilang performance sa Broken Blooms na ginawa sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio.
Ang Broken Blooms ay kinilala naman bilang Best Narrative Feature Film. Samantala, si Direk Louie ay tumanggap naman ng Special Jury Award for Best Director.
Saad ni Direk Louie sa bumubuo ng Broken Blooms, "Congratulations Team Broken Blooms🇵🇭"