What's on TV

Jeric Gonzales, may gay beauty pageant dreams?

By Cherry Sun
Published May 23, 2018 12:03 PM PHT
Updated May 23, 2018 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News



Ang makoronahan sa isang gay beauty pageant – ito ang pangarap ni Jeric Gonzales bilang si Erica sa kuwentuwaan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, May 27.

Ang makoronahan sa isang gay beauty pageant – ito ang pangarap ni Jeric Gonzales bilang si Erica sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, May 27.

Matapos ang ilang taon ng kanyang pagsali at pagkatalo, mas mapapalapit sa kanyang pangarap si Erica nang siya ay maging finalist sa Miss Gay Beauty Pageant.  Pero, may magiging hadlang sa chance niyang manalo. Mabubuntis kasi niya nang hindi inaasahan si Antonia (Alyana Asistio).

 

 

Kung gaano kadismayado si Erica sa kanyang sitwasyon, ganun na lamang ang saya ng kanyang nanay na si Salome (Irma Adlawan). Sa katunayan, papatirahin pa ng kanyang ina si Antonia sa kanilang bahay.

 

Dahil hindi rin naman siya kumbinsido na sa kanya ang ipinagdadala ni Antonia, gagawin ni Erica ang lahat para mawala ang dalaga sa buhay niya.

Magtagumpay kaya si Erica sa plano niya? O ang pagbubuntis ni Antonia ang simula ng pinakamagandang crowning moment sa buhay niya?

 

 

Sundan ang kuwentuwaang pinamagatang ‘Beki & Momshie’ sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, May 27, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.