GMA Logo jeric gonzales on widows war
What's on TV

Jeric Gonzales, na-challenge nga ba bilang aktor sa 'Widows' War?'

By EJ Chua
Published February 27, 2024 6:31 PM PHT
Updated June 13, 2024 8:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider, nag-counterflow sa EDSA Busway; lisensiya at OR/CR, naiwan matapos tumakas
Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week in Poland
Meet OPM band Tuwina

Article Inside Page


Showbiz News

jeric gonzales on widows war


Kabilang si Jeric Gonzales sa star-studded cast ng 2024 upcoming murder mystery drama series na 'Widows' War.'

Isang challenge daw sa pagiging actor ni Jeric Gonzales ang gagampanan niyang role sa Widows' War.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jeric, sinabi ng aktor na challenging para sa kanya ang bago niyang proyekto.

Pahayag niya, “Kinakabahan ako kasi it's a very challenging series, napakaganda ng concept."

Dagdag pa ng Kapuso actor, "Siyempre pa mga kasama ko rito magagaling na aktres, Bea [Alonzo], Carla [Abellana]...”

Nito lamang February 23, 2024, naganap na ang unang araw ng taping para sa bagong serye.

Ang upcoming murder mystery drama series ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Bea Alonzo.

Abangan ang Widows' War, ngayong 2024 sa GMA Prime.