GMA Logo Jeric Raval
Photo by: Screenshot from Kay Susan Tayo! Vlogs; Estribo Gang via YouTube
What's Hot

Jeric Raval, gustong maging rapper noon pero naging action star

By Aimee Anoc
Published July 30, 2026 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, inaprubahan ang pagbubukas ng tax records ni Sara Duterte, ayon sa Palasyo
3 schools in VisMin get security threats
Alex Eala defeats defending champion Fernandez to make it to DC Open quarterfinals

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Raval


Na-inspire noon si Jeric Raval na maging rapper dahil kay Francis Magalona pero oportunidad na ang lumapit sa kanya na maging action star.

Bago pa man makilala bilang action star, una nang nangarap si Jeric Raval na maging rapper. Inside

Kuwento ni Jeric kay Susan Enriquez para sa "Kay Susan Tayo! Vlogs," gusto talaga niya noong maging rapper dahil iniidolo niya si Francis Magalona.

"Kasi I'm a huge fan of Francis Magalona at that time," sabi niya. "Doon sa bayan namin sa Floridablanca, alam nila rapper ako do'n. May mga event kami noong araw, nagbo-volunteer pa ako na, 'Uy, bigyan n'yo naman ako number, gusto kong mag-rap."

Pero oportunidad na ang lumapit kay Jeric nang makita siya noon ng yumaong direktor na si Willy Milan.

"Tapos nu'ng magbubukas ang OctoArts ng film, papasok sila sa film, recording sila 'di ba? So, nandu'n ako para mag-audition talaga kami, recording. Nakita ako ngayon ng Director Willy Milan. Nakita ako, 'Ano'ng pangalan mo?' Si Eric po. Eric kasi real name ko.

"'Tayo ka nga iho.' Tumayo naman ako. Pagkatapos kong tumayo, 'Ako nga pala si Director Willy Milan, action movies ang mga ginagawa ko,'" kuwento ng aktor.

Dito na raw siya sinabihan ng direktor na puwede siyang action star. Pag-amin ni Jeric, hindi siya naniniwala noong una hanggang sa makita ang poster niya mula sa pictorial at ipakilala sa big boss.

"Nagkita na kami ulit. Poster malaki. Naniwala ako. Sabi ko, puwede. Puwede akong action star.

"Bumalik kami ulit doon sa OctoArts. At that very moment, ginawa na 'yung kontrata. Pumirma na ako ng kontrata. Ang unang-unang pelikula ko, bida kaagad, Primitivo 'Ebok' Ala: Kalabang Mortal ni Baby Ama.

Matapos nito ay sunod-sunod na rin ang mga pinagbidahang pelikula ni Jeric at sumikat bilang action star noong '90s.

"Noong '90s kasi maraming ni-launch na junior action star. Ang Seiko mayroon silang Ian Veneracion, Romnick Sarmenta, ang Viva may Raymart [Santiago]. ang Regal may Zoren [Legaspi], ang OctoArts may Jeric Raval," sabi ng aktor.

Kuwento pa ni Jeric, tuwang-tuwa siya sa napakalaking oportunidad na ito na dumating sa kanya. Aniya, "Syempre, masaya ako. Tuwang-tuwa ako. Nakapila ka lang, pumipila ka lang do'n, nakuha kang artista."

Panooring ang buong interview ni Jeric Raval sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito:

Related content: Jeric Raval, hinimok si AJ Raval na umamin tungkol sa mga anak: 'Para
matapos na'