
Sa Trip to the Hotseat ng Sarap, 'Di Ba? ay sinabi ni Jeric Raval ang kaniyang mensahe para sa kaibigan na si Robin Padilla.
Si Robin Padilla ay ang ama ni Kylie Padilla. Si Kylie ay ang ex-wife ni Aljur Abrenica na karelasyon naman ngayon ng anak ni Jeric na si AJ Raval.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba? / @ajravsss
Tanong kay Jeric nang mapasabak siya sa hotseat, "Kung makakausap mo ngayon ang kaibigan mong si Robin Padilla tungkol kay Aljur, ano ang sasabihin mo sa kaniya?"
Natatawang sagot ni Jeric sa tanong, "Bakit ako nagpapaliwanag? Hindi naman ako ang nakipagrelasyon."
Sinundan naman ito ni Jeric ng kaniyang pagpapaliwanag sa tanong na inihanda sa kaniya.
"Ako ang sasabihin ko lang, tol, wala akong kinalaman diyan ha. Hindi ko alam 'yan."
Ayon pa sa kilalang action star, si Jeric ay hindi nakikialam sa pakikipagrelasyon ng mga anak.
"Ako kasi pagdating sa lovelife ng mga anak ko, hindi ako nakikialam."
RELATED GALLERY: These beautiful ladies are Jeric Raval's daughters
"Tayo namang mga magulang lagi naman tayong nandiyan para sa kanila," dugtong ng aktor.
Itinanong pa ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel kung kumusta na ba sina Jeric at boyfriend ni AJ na si Aljur.
Ani Jeric, "Okay naman kami, mabait naman 'yung bata."
Panoorin ang kabuuang segment ng Trip to the Hotseat ng Sarap, 'Di Ba?: