
Malaki na ang pinagbago sa buhay ni America's Got Talent season 20 winner Jessica Sanchez simula nang maging isang ina, ilang linggo pagkatapos ng kaniyang panalo. Mula sa boses hanggang sa mindset niya, ito ay binago ng pagkakaroon niya ng anak.
“Oh, it's changed me completely. My mindset, the way that I love, the way that I spend my time. My daughter means everything to me, she is my world,” sabi ni Jessica sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 13.
Dagdag pa ng Fil-Am singer, handa siyang isuko ang kahit ano, kahit ang kaniyang karera, para sa kaniyang anak.
“I just I want to be the best example for her, and I think that's why I did AGT, to kind of be an example for her to keep fighting for her dreams,” sabi ni Jessica.
Nagkaroon din umano ng malaking hormonal shift kay Jessica, dahilan para magbago ang boses niya. Kaya naman ngayon, unti-unti niyang inaaral muli ang pagkanta base sa kaya ng kaniyang boses. May mga preparasyon na rin siya ngayon bago sumabak sa pagkanta, bagay na hindi naman niya ginagawa noon.
“I do a lot now, I nebulize, I steam, I have to get like nine hours of sleep, just very hard being a new mom, getting sleep. There are a lot of tips and tricks that I have,” sabi ni Jessica.
Samantala, kahit Filipino-Mexican si Jessica, aminado ang singer na mas in-touch siya sa kaniyang Filipino culture habang lumalaki. Kaya naman, ganu'n din ang pagpapalaki niya sa anak. Sa katunayan, kahit anim na buwan pa lang ito, excited na ang signer na makasama ng anak sa bansa at maranasan ang kulturang Pilipino.
“So my daughter is still six months old, she's still quite young, but I'm excited to have her here in the Philippines for the first time, and I hope I can slowly start teaching her some of the Filipino culture while she's here,” sabi ni Jessica.
Panoorin ang panayam kay Jessica rito:
KILALANIN ANG IBA PANG MILLENNIAL CELEBRITY MOMS KATULAD NI JESSICA SA GALLERY NA ITO: