GMA Logo Jessica Soho and Sharon Cuneta
Source: km_jessica_soho/IG
What's Hot

Jessica Soho, Sharon Cuneta, masayang nagkita sa launch party ng isang streaming platform

By Kristian Eric Javier
Published April 15, 2026 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Eduardo Año, nagbitiw bilang National Security Adviser; Eduardo Oban, pumalit
Man shot dead inside home in Bacong, Negros Oriental

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Soho and Sharon Cuneta


Nagsama-sama ang ilang sikat na aktor para sa launch ng kani-kanilang project para sa isang online streaming platform.

Nagkita ang batikang broadcast journalist at host na si Jessica Soho at si Megastar Sharon Cuneta sa naganap na Prime Video Presents: Philippines 2026 event kamakailan, kasama ang iba pang mga aktor at aktres.

Sa isang video sa Instagram page ng Kapuso Mo, Jessica Soho, makikitang nagkukumustahan ang dalawa, bago sabay na banggitin ang tag line ng naturang show na “I-KMJS na 'yan!”

A post shared by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho)

Dumalo sa naturang event sina Jessica at Sharon dahil malapit nang ipapalabas sa Prime Video ang kani-kanilang mga proyekto: ang horror anthology film na KMJS' Gabi ng Lagim: The Movie at ang orihinal na online series na Honor Thy Mother.

A post shared by Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)

Present din sa event ang mga bida ng KMJS' Gabi ng Lagim: The Movie na sina Rocco Nacino at Therese Malvar. Naroon din ang mga co-star ni Sharon sa Honor Thy Father na sina Barbie Forteza, Khalil Ramos, at John Estrada.

Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi niyang honored and excited siyang makatrabaho ang kaniyang co-stars sa proyektong ito.

“Honored and excited to be working soon with the lovely Ms. Barbie Forteza, my favorite movie hubby [John Estrada], and young heartthrob [Khalil Ramos]! Praise God for this opportunity and beautiful project. Abangan niyo po sana!” sulat ni Sharon sa kaniyang post.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY MALALAKING STREAMING PROJECTS NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa panayam naman kay Barbie ng Unang Balita para sa Unang Hirit, sinabi ng aktres na malaking fan sila ng kaniyang mama ni Sharon.

“Again, siya 'yung reason why I wanted to become an actress. Si Miss Sharon, talagang nag-exceed talaga sa expectations ko. Sobrang bait, obrang down to earth, sobrang galing, sobrang giliw, and very very warm to everyone,” sabi ni Barbie.

Nasa event din sina Rocco at Therese para sa pelikula nilang Bar Boys: After School. Naroon din ang mga bida ng pelikulang Open Endings na sina Jasmine Curtis-Smith, Klea Pineda, at Janella Salvador. Mapapanood ang mga nasabing pelikula sa parehong streaming platform, pati na rin ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan.